What's on TV

LOOK: Direk Zig Dulay feels sepanx as he reminisces last taping day of 'Sahaya'

By Cara Emmeline Garcia
Published September 1, 2019 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - ICI hearing on flood control projects (Dec. 5, 2025) | GMA Integrated News
Yacht catches fire; damage hits P900,000
Cup of Joe named Billboard PH's top artist of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



#SepanxModeOn na raw para kay Direk Zig Dulay ngayong tapos na ang taping ng hit Kapuso series na 'Sahaya.'

#SepanxModeOn na raw para kay Direk Zig Dulay ngayong tapos na ang taping ng hit Kapuso series na Sahaya.

Pagkatapos ng ilang buwang taping kasama ang cast at crew, naalimpungatan raw ang direktor dahil sa biglang pagbago ng takbo ng kanyang buhay.

Kuwento niya, “Ilang buwan akong nagbuhay-teleserye, halos doon umikot ang mundo ko.

“At ngayong patapos na, gumising ako kaninang umaga na para bang naalimpungatan.

“Bumangon ako nang walang pagmamadali, umikot na tila kinikilala ang lugar.

“At ngayon ko lang napapansin 'yung mga bagay sa loob ng kuwarto ko na niluma ng panahon...mga bagay na hindi mo pinapansin - na akala mo okay pa at maayos pa pero hindi na pala.

“Panahon na naman ng paghahanap sa sarili. #SepanxModeOn”

Rule #87: Kung ramdam mong hindi ka naman pala niya mahal, magbusy-busyhan ka muna sa work. Hindi ka pa rin niya mahal, pero at least busy ka, sa work. #KawayKawaySaMgaBusyBusyhanParaKunwariDiNasasaktanTsar P.S. --- 'Yung sa pagiging busy mo, hindi mo na namamalayan kung gaaano rin kabilis tumakbo ang oras. Akala mo ambilis-bilis mo na pero napaglilipasan ka pa rin pala ng panahon. Ilang buwan akong nagbuhay-teleserye, halos doon umikot ang mundo ko. Nabago ang araw-araw ko, kailangang baguhin. Umaga-tanghali-gabi hanggang sa pagtulog at sa panaginip, iniisip at dinadamdam ko - masaya-malungkot-stress-excited-inspired at araw-araw kang bumabangon at lumalaban na para bang hindi ka napapagod at handa ka ulit masaktan. At ngayong patapos na, gumising ako kaninang umaga na para bang naalimpungatan. Ilang segundong tik-tak ang binilang bago ko naisip na nasa kuwarto ako at wala sa set o service van. Bumangon ako nang walang pagmamadali, umikot na tila kinikilala ang lugar. At ngayon ko lang napapansin 'yung mga bagay sa loob ng kuwarto ko na niluma ng panahon, andaming turnilyo ang bumigay na, mga pintura na nalagas o kumupas, mga naipong alikabok sa mga librong ilang beses sinubukang umpisahan, mga resibong hindi mo na maalala kung bakit mo pa kinokolekta, mga gamit na hindi na gumagana dahil sa tagal na hindi nagamit - mga bagay na hindi mo pinapansin - na akala mo okay pa at maayos pa pero hindi na pala - parang 'yung relasyon n'yo. Tsar! Panahon na naman ng paghahanap sa sarili. #SepanxModeOn

A post shared by Zigcarlo (@zigcarlo) on

Todo suporta naman ang binigay ng fans ng direktor at ng show at anila'y mami-miss nila ang show pagkatapos umere nito.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Sahaya dito lang sa GMA Telebabad.

Direk Zig Dulay, saksi sa dedikasyon ni Bianca Umali sa 'Sahaya'

READ: Bianca Umali reveals drastic change on 'Sahaya'