
Nitong nakaraang araw ay muling nagkasama sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco. Para tuluyan nang mabuo ang "Do Re Mi" reunion ay gumawa ng paraan ang fans nila na makasama si Regine Velasquez-Alcasid.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang "Do Re Mi" ay ang pamagat ng 1996 movie na pinagbidahan nina Regine, Donna at Mikee. Ang pelikula naman na ito ay tumatak din sa isipan ng mga Pinoys kaya hanggang ngayon marami pa rin ang nakakaalala sa movie na 'yun.
Ilang araw ang nakakaraan ay nanawagan si Donna sa kanilang mga fans na isama si Regine sa kanilang photos. Aniya, "Patulong naman po mag photoshop kay Reg sa mga pictures na ito o! Di kaya ng powers ko hahaha!"
Dagdag pa ni Donna, "So happy at nagkita naman kami ni Mikes @mikeecj today. Kelan kaya mabubuo kami na 3 na ganito at walang work kungdi kain, tawanan, kantahan, picture picture at chikahan lang? But so happy and thankful na nagkita tayo ulit magkasunod kahit hindi sabay at nakabisita kayo dito sa Cebu. Nakakamiss kayo sobraaaa!!! Thanks Mikes! Thanks again Reg (insert pa ang photo maghanap pa ako haha)! Love u both!!!"
Di naman siya binigo ng kanyang mga followers.
Agad namang nagbigay tulong ang kanilang mga followers na ikinaaliw ni Donna. Ani ni Donna, "Heto na!! Salamat sa mga nag effort mag edit at isama si Reg @reginevalcasid sa mga pictures namin ni Mikes @mikeecj. Nakakaaliw!"