
Tuloy-tuloy ang paghahanda sa nalalapit na kasal ng Doctor to the Stars na si Vicki Belo sa longtime boyfriend nitong si Hayden Kho.
Ngayong hapon, August 31 (Philippine time), may munting pasilip si Dra. Belo sa kanyang Instagram story. Ito ay isang behind the scene video clip bago kunan ang kanyang pre-wedding photo shoot. Suot niya rito ang formal wedding gown na gawa ni Monique Lhuillier.
Sa video clip, sinabi rin ng doktora na kinailangan niyang gumising ng 5 a.m. to catch the sunrise sa famous landmark sa Paris.
Excited na rin ba kayo para sa #aKHOandmyBELOved?