What's Hot

LOOK: Edgar Allan Guzman, binigyan ng bulaklak ang ex na si Shaira Diaz

Published February 14, 2019 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE: Cong. Toby Tiangco, Prosecutor General Fadullon, and DPWH Usec. Ricardo Bernabe III forum on flood control anomalies updates (Jan. 22, 2026) | GMA Integrated News
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Kinilig sina Sugar Mercado at Ashley Ortega para sa kanilang Wowowin co-host na si Shaira Diaz matapos itong makatanggap ng bulaklak mula sa ex-boyfriend na si Edgar Allan Guzman. Read more:

Kinilig sina Sugar Mercado at Ashley Ortega para sa kanilang Wowowin co-host na si Shaira Diaz matapos itong makatanggap ng bulaklak mula sa ex-boyfriend na si Edgar Allan Guzman.

Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman
Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman

Hindi malinaw kung guest ang aktor o bumisita lamang sa set ng variety game show para batiin si Shaira ngayong araw ng mga puso, February 14.

Mapapanood sa Instagram Stories nina Sugar at Ashley ang pagkikita ng dating magkasintahan kung saan sinalubong ni Edgar ng isang mahigpit na yakap ang 23-year-old actress at hinalikan pa sa pisngi.

sugarmercado777 (IG)
sugarmercado777 (IG)

Sulat ni Sugar sa kaniyang caption, "Sobra mga kaibigan ko, may forever."

Base sa kanyang interviews, iginiit ni Shaira na magkaibigan pa rin sila ni Edgar matapos silang maghiwalay at wala raw problema kung pagtambalin sila sa isang proyekto.