
Bagama't hiwalay na, sinisiguro pa rin ng dating magkasintahang sina Kris Lawrence at Katrina Halili na magiging maayos ang kanilang pakikitungo sa isa't isa para sa kanilang anak na si Katie.
Kaya naman magkakasama nilang ipinagdiwang ang 6th birthday kanilang anak kamakailan.
Sa Instagram post ni Kris Lawrence, isang mensahe ang ipinarating niya para sa kanyang anak.
Sabi niya sa kanyang itinuturing na 'bundle of joy,' “Anak, you're growing up too fast!! Wait lang! Ang bigat bigat mo na...
“Anyway, i just want you to know that i love you very very much and papa will be home later ha. Enjoy and be good my little one papa loves you.”
Isang mensahe rin ang inihayag ni Katrina para sa kanyang adorable princess sa Instagram post niya kamakailan.
Sabi ng The Stepdaughters actress, “You have been the most precious and generous blessing that God has sent into our lives. ILoveYouSoMuch.”