
Maraming nabigla nang pumutok ang balita na kasama ang former Ang TV star na si CJ Ramos sa mga nahuli sa isinigawang buy-bust operation nito lamang Lunes, July 31.
READ: Ex-child actor arrested in QC buy-bust operation
Naganap ang naturang buy-bust operation sa isang convenience store sa Tandang Sora, Quezon City kung saan nahuli si Ramos na may hawak na sachet na pinaniniwalaang shabu.
Dating child actor na si CJ Ramos, inamin na matagal nang gumagamit ng iligal na droga bago nahuli sa buy bust. | via @MMakalalad pic.twitter.com/ndycMxCNco
-- DZBB Super Radyo (@dzbb) August 3, 2018
Sa panayam ng GMA News sa dating aktor, sinabi nito na natukso lamang siya at mahigit isang taon na siyang hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, “Natukso lang po talaga ako.”
Bukod sa Kapamilya youth-oriented show na Ang TV, napanood din si CJ Ramos sa pelikulang Tanging Yaman taong 2000.