
Bagamat busy sa kanyang showbiz commitments, tuwing Linggo ay nakakapaglingkod pa sa simbahan si Kapuso actress Gabbi Garcia. Gumaganap bilang Sang'gre Alena sa Encantadia at kabilang sa cast ng Sunday PinaSaya, ikinuwento ng aktres sa exclusive interview ng GMANetwork.com na isinisingit niya ang kanyang halos siyam na taong pagse-serve para sa Diyos.
Ayon kay Gabbi, mula taong 2008 ay naglilingkod na siya bilang altar server sa St. Alphonsous Mary de Ligouri Parish, Makati City. Isa raw ang simbahang ito sa mga tumatanggap ng mga kababaihan na gustong magbigay ng service para sa Diyos.
"I serve every Sunday at 11:30 a.m. Pero since I have Sunday PinaSaya, sometimes [I do it] at 6:00 p.m. I serve as much as I can, 'pag kaya ng sched," bahagi ni Gabbi.
Bukod kay Gabbi, altar server rin ang kanyang kapatid na si Alex.
Photos courtesy of Gabbi Garcia
MORE ON GABBI GARCIA:
WATCH: Gabbi Garcia and Sanya Lopez do their own makeup
What's the one thing Gabbi Garcia hates about Ruru Madrid?
WATCH: Gabbi Garcia sings Bob Marley's 'Waiting in Vain'