
Ibinahagi nina Gee Canlas at Archie Alemania na lalaki ang kasarian ng kanilang unang anak.
Ginanap ang gender reveal party noong Martes, February 5, na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Ayon sa Instagram post ng TV host/actress, tama ang hula ng kaniyang asawa na "mini Chie" ang kaniyang ipinagbubuntis.
Sulat niya, "When we had to debate who would pop the balloon because your girl is clumsy. [laughing emoji]
“Seriously thought it was going to be a girl but the way the lil bean was kicking felt like @archiealemania's guess was right all along..we're going to have a #MiniChie!!!"
Kasabay ng gender reveal, ipinagdiwang din ni Gee ang kaniyang kaarawan.
May tatlong anak si Archie mula sa kaniyang mga dating nakarelasyon.
Isa riyan si Brent Marcus, ang anak niya sa aktres at dating girlfriend na si Mickey Ferriols.