What's Hot

LOOK: Glaiza de Castro, pinarangalan bilang Most Outstanding Female Pop Artist of the Year

By Bea Rodriguez
Published July 22, 2018 3:20 PM PHT
Updated July 22, 2018 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kinilala ng Gawad Pilipino Music and Youth Special Awards 2018 si Kapuso star Glaiza de Castro bilang Most Outstanding Female Pop Artist of the Year kahapon, July 21.
 

Salamat sa pangatlong pagkakataon, Gawad Pilipino. Hindi man ako nakadalo kagabi, hindi mawawala sa isip ko kung paano niyo ipinapaalala sakin na magtiwala sa sarili. Sa mga pagkakataong pakiramdam ko, hindi ko kaya, mapapalingon ako dito at maaalala na may mga taong nagtitiwala at nagpapahalaga. Mabuhay kayo ????????

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

 

Kinilala ng Gawad Pilipino Music and Youth Special Awards 2018 sa kategoryang Media People Choice Award si Kapuso star Glaiza de Castro bilang Most Outstanding Female Pop Artist of the Year kahapon, July 21 sa Eurotel Hotel North EDSA, Quezon City.

Hindi nakadalo ang aktres sa awarding ceremony nang dahil sa taping ng kanyang pinagbibidahang high-rating GMA Afternoon Prime series na Contessa.

Ipinaabot naman ni Glaiza ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng Instagram post.

“Salamat sa pangatlong pagkakataon, Gawad Pilipino. Hindi man ako nakadalo kagabi, hindi mawawala sa isip ko kung paano niyo ipinapaalala sa ‘kin na magtiwala sa sarili. Sa mga pagkakataong pakiramdam ko, hindi ko kaya, mapapalingon ako dito at maaalala na may mga taong nagtitiwala at nagpapahalaga. Mabuhay kayo!” ani ng bida-kontrabida actress.

Congratulations sa iyong parangal, Glaiza! Proud kaming mga Kapuso sa iyo!