Nauna nang napanood sa pilot episode ng Spooky Nights, naiibang hamon naman ang haharapin ni Mikael bilang isa sa mga leading men ni Marian Rivera sa Amaya na tinagurian bilang pinakamalaking television production ng Kapuso Network. Gagampanan niya ang papel ni Lumad, isang uripon warrior na umiibig sa magandang si Amaya.
Isang true blue Atenista, nagtapos si Mikael ng kursong Business Administration sa edad na 23. Nagsimula siya bilang isang part-time commercial and print ad model at lumabas na rin sa TV commercials para sa iba’t -ibang sikat na local brands.
Kasama sa litrato sina (from left) Atty. Annette Gozon-Abrogar (President, GMA Films), Mikael Daez, Atty. Felipe L. Gozon (Chairman and CEO, GMA Network, Inc.), at Jonas Gaffud ng Mercator Model Management. --Text and photo courtesy of GMA Network