
Muli na namang itinaas ni Hidilyn Diaz ang bandila ng Pilipinas matapos niyang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Nalamangan niya sa weighlifting division ang kanyang labing-isang kalaban mula sa iba't-ibang bansa sa Asya sa pagbubuhat ng nasa kabuuang 207 kilograms.
Sa pagbabalik-bansa ni Hidilyn, naimbitahan siya ng programang Unang Hirit para maki-morning kwentuhan. Game rin siyang kumasa sa "Weight A Minute" challenge at nakatanggap pa ng congratulatory message mula sa kanyang crush na si Atom Araullo.
Sa official Instagram account naman ng Unang Hirit, nagpa-sampol ng "human weightlifting" ang atleta at effortless na binuhat ang host ng show na si Luane Dy.