
Star-studded ang mga guests ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa darating na Sabado dahil isang hottie ang mapapanood this January 27.
Tutukan ang isa namang laugh-out-loud na episode kasama ang Manaloto family lalo na't makakasama natin ang hunk/actor na si Carlos Agassi.
Bibisita rin ang mga celebrities tulad nina Dabarkad Keempee de Leon, Ina Feleo at child star na si Miggs Cuaderno.
Heto ang paunang silip sa mga aabangan na eksena sa panalong sitcom na mahal ng buong bansa this weekend.