
Wagi sa #TrendingPinoy ConGen's Cup ang ilang Kapuso stars na dumalo sa Kapuso All-Star basketball game sa Dubai, UAE noong Sabado, September 21.
Naglaro sina Mike Tan, Mikael Daez, Andre Paras, Derrick Monasterio, Rocco Nacino, at Kristoffer Martin sa isang friendly match kalaban ang best players ng iba't ibang team na lumahok sa ConGen's Cup basketball doon.
Nagwagi by three points ang Kapuso team at itinanghal pang MVP si Mikael Daez.
Kasama pa nila si Kapuso beauty Janine Gutierrez na nagsilbing muse ng koponan.
Pagdating ng halftime, pinasaya ng Kapuso talents ang kani-kaniyang fans sa pamamagitan ng isang song and dance number at nakipag-selfie pa kasama ang mga ito.
Ang #TrendingPinoy ConGen's Cup Kapuso All-Star Basketball Game in Dubai 2019 ay hatid ng GMA Pinoy TV na siyang exclusive media sponsor ng event.
WATCH: Ilang Kapuso male stars at si Janine Gutierrez dadalo sa ConGen's Cup sa Dubai