What's Hot

LOOK: Isabelle de Leon and Jiro Manio recreate 'Magnifico' movie poster after 15 years

By Felix Ilaya
Published February 19, 2018 6:54 PM PHT
Updated February 19, 2018 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029

Article Inside Page


Showbiz News



Unang nagkatrabaho sina Isabelle at Jiro sa 2003 film na 'Magnifico.' Sa isang Instagram post, ginaya ng dalawa ang poster nito at nag-iwan ng madamdaming mensahe ang aktres para sa kanyang Kuya Jiro.

Unang nagkatrabaho sina Isabelle de Leon at Jiro Manio sa 2003 film na Magnifico kung saan humakot ito ng mga parangal locally and internationally.

Fifteen years later, muling nagtagpo ang dating child stars na sina Isabelle at Jiro. Sa isang Instagram post, ginaya ng dalawa ang movie poster ng Magnifico at nag-iwan ng mensahe si Isabelle para sa kaniyang Kuya Jiro.

Aniya, "Maraming salamat sa pag buhat mo sakin 11 years ago Kuya Jiro! Pero hayaan mo na ikaw naman ang buhatin namin ngayon. Hindi naging madali ang buhay, pero tandaan mo na hindi nasusukat ang tao sa kaniyang pagbagsak. Kung hindi sa kung paano tayong babangon mula dito."

 

"MAGNIFICO" Maraming salamat sa pag buhat mo sakin 11 years ago kuya jiro! pero hayaan mo na ikaw naman ang buhatin namin ngayon..hindi naging madali ang buhay, pero tandaan mo na hindi nasusukat ang tao sa kanyang pag bagsak..Kung hindi sa kung paano tayong babangon mula dito.. ???????? maaring di tayo nakita ni direk maryo sa muli nating pag ta-tagpo..but im sure naka ngiti sya mula sa langit sa muli mong pagbabalik! Hinihintay ka ng industriyang nag ma-mahal sayo! ??

A post shared by Isabella Daza De Leon (@isabelledeleontv) on

 

Inalala rin ni Isabelle ang yumaong direktor na si Maryo J. Delos Reyes na nagdirehe ng Magnifico.

"Maaring 'di tayo nakita ni Direk Maryo sa muli nating pagtatagpo. But I'm sure nakangiti siya mula sa langit sa muli mong pagbabalik! Hinihintay ka ng industriyang nag ma-mahal sayo," pagsulat ni Isabelle.

Ano kaya ang unang role na gagampanan ni Jiro sa kaniyang pagbabalik showbiz?