
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan at tagahanga ng batikang aktres na si Jackie Lou Blanco nang ibahagi niya ang larawan nilang dalawa ng anak na si Arabella Davao.
Sa unang larawan, makikitang hanggang tenga ang ngiti ni Jackie Lou noong bata pa siya. Sa ikalawang larawan naman, parehong-pareho ang ngiti ni Arabella sa kanyang ina.
Sulat ni Jackie Lou sa caption, "Smiling from ear to ear. Meron at meron tayong namamana sa mga magulang natin. Ito atang pagkabungisngis ko ang nakuha ng bunso ko @aradavao haha."
Gandang-ganda naman ang mga kaibigan ni Jackie Lou na sina Janus Del Prado, Beauty Gonzalez, at Maritoni Fernandez sa larawan ng mag-ina.
Sa katunayan, inihambing ni Janus ang ngiti nina Jackie Lou at Arabella sa Hollywood star na si Julia Roberts.
Kasalukuyang napapanood si Jackie Lou sa GMA Telebabad series na Start-Up Ph na pinagbibidahan nina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.
SAMANTALA, MAS KILALANIN NAMAN SI ARABELLA SA MGA LARAWANG ITO: