
Kumpleto ang pamilya Ejercito sa espesyal na araw ni Jerika Ejercito, ang nag-iisang anak na babae ng dating presidente, Joseph Estrada, sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si Jerika ay kapatid ni dabarkads Jake Ejercito.
Ikinasal kahapon, August 12, si Jerika sa spanish boyfriend nito. Ginanap ang kasal sa Manila Hotel na dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan.
IN PHOTOS: Jerika Ejercito and Miguel Aguilar Garcia nuptials
At siyempre hindi puwedeng wala ang anak ni Jake kay Andie Eigenmann na si Ellie.
Masayang-masaya naman ang lolo at lola ni Ellie na nakapiling nila apo sa importanteng okasyon na ito.