Sunod-sunod ang showbiz projects ni Kapuso actress Janine Gutierrez at isa na rito ang Legally Blind, ang pinagbibidahan niyang GMA teleserye.
Ayon kay Janine, dahil sa blessings na natatanggap niya ay nabili na niya ang kanyang dream car. "Super happy [ako] kasi pinag-ipunan ko ['to] sa trabaho.
"Kasi siyempre 'di ba tayo, Ate, madalas tayo bumiyahe talaga na out of town? So gusto ko sana na medyo mas malaki at saka para kung lalabas kami ng pamilya ko, kasya kaming lahat," kuwento ni Janine kay GMA News reporter Aubrey Carampel.
Natutuwa si Janine dahil maganda ang takbo ng kanyang showbiz career. Aniya, "Super happy lang kasi hindi ko talaga in-expect a few months ago na magsusunod-sunod talaga 'yung blessings sa 'kin. Sobrang nagpapasalamat lang talaga ako."
Bukod sa kanyang dream car, nakatira rin si Janine sa kanyang sariling condo unit sa San Juan City.
MORE ON JANINE GUTIERREZ:
Janine Gutierrez and Andre Paras join WWF's star-studded roster of ambassadors
Janine Gutierrez, nagsalita na tungkol sa isyung edited ang kanyang sexy calendar photo
#DaWho: Sino'ng celebrity ang muntik nang maputulan ng kuryente?