
Matapos maging viral ang photo niya this month kung saan pinag-usapan ang sobra niyang pag-payat, umamin ang aktres na si Jasmine Curtis na naapektuhan siya sa mga nababasang negative comments patungkol sa isyu na ito.
READ: Jasmine Curtis' extreme weight loss worries netizens
Naglabas ng saloobin sa Twitter ang younger sister ni Anne Curtis, matapos mag-react sa isang tweet ng netizen na si @roscherbatsky patungkol sa body shaming.
Pero binigyan diin ng aktres na mas pinipili niyang huwag pansinin ang mga nababasa niyang negative reaction tungkol sa kaniyang katawan.