
May entry ang Kapuso star na si Jean Garcia sa nauusong mga throwback challenge.
Ngunit imbis na #10YearChallenge, #18YearChallenge ang ibinida ni Jean sa kaniyang Instagram upload.
Sa Instagram ni Jean, makikita ang photo nila ng Ika-5 Utos co-star niyang si Tonton Gutierrez noong taong 2000.
Dating bumida sina Jean at Tonton sa Kapamilya soap na 'Pangako Sa'Yo.' Ngayon, napapanood ang dalawa bilang sina Eloisa at Emil sa painit nang painit na Ika-5 Utos.