
Isinilang ni Jennica Uytingco ang kaniyang second daughter na si Baby Alessi last June 25.
Masayang-masaya si Jennica sa kaniyang role bilang isang ina kina Mori at Baby Alessi ngunit hindi pa rin maiiwasan ang ilang moments na nasasabaw siya. 'Yan ang ikinuwento ni Jennica sa kaniyang latest Instagram post kung saan nabihisan niya ng damit pang-sanggol ang panganay niyang si Mori na dalawang taong gulang na.
"Motherhood: Paano mo malalaman kung kaya mo pa? Kapag hindi mo pa napapasuot ang damit ng newborn mo sa panganay mo. JOKE! Woke up in the morning and wondered why Mori is wearing a HANGING TOP eh wala naman siyang ganon! Aha, napasuot ko pala siya ng pang 0-3 months old na damit ni Baby Alessi. Paumanhin anak!"
Sa darating na July 21, maglulungsad ng talk si Jennica tungkol sa Healthy Pregnancy at Postpartum Care para sa mga expecting mommies.
Aniya, "By the way, sana magtiwala pa rin kayo at dumalo despite this revelation hehe! Sa July 21, sa @theparentingemporium in New Manila, Quezon City, from 1:30PM-5:00PM I will be discussing the how to's of having a "HEALTHY PREGNANCY AND POSTPARTUM CARE". I really hope expecting mothers and those who are planning to conceive will come with your partners! Masaya ito, pangako!"