
Ipinasilip ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa Instagram ang isang eksena mula sa kanyang taping para sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaption).
FIRST LOOK: Jennylyn Mercado starts taping for 'Descendants of the Sun' PH adaptation
Ito ang eksena kung saan nakalimutan ng karakter niyang si Dr. Maxine na may water interruption notice kaya hindi siya nakapagbanlaw ng buhok.
Isa ito sa mga unang eksena sa Descendants of the Sun na talaga namang kinatuwaan at kinikiligan ng mga manonood dahil simula ito ng magandang pagtitinginan nina Dr. Maxine at Capt. Lucas, na gagampanan ni Dingdong Dantes, sa serye.
Maging ang kanilang mga kapwa celebrity ay excited na rin sa pagpapalabas ng Pinoy version ng Descendants of the Sun matapos makita ang behind-the-scenes photo na ipinost ni Jennylyn.
IN PHOTOS: BTS of Jennylyn Mercado's first taping for DOTS PH
Dingdong Dantes, pina-practice na ang iconic move sa 'Descendants of the Sun' na cellphone flip