
Kilala bilang isa sa mga fashion icons sa Pilipinas ang asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao dahil sa kanyang mga stylish #OOTDs.
Marami ang gustong mag-raid sa closet ng misis ni Pacman dahil sa kanyang mga mamahaling koleksyon ng designer items tulad ng kanyang Hermès at Louis Vuitton bags at saka Christian Louboutin at Valentino heels.
Pwes, mayroong garage sale si Jinkee sa kanilang Pacquiao mansion sa General Santos City!
Ilan sa mga up for grabs ay ang kanyang Hermès pink Birkin handbag sa halagang PHP 450,000.00 (original price PHP 800,000.00 to PHP 1,100,000.00), limited edition Louis Vuitton Capucines glitter handbag na may presyong PHP 250,000.00 (original price PHP 450,000.00) at ang bagsak presyo na yellow Bulgari Serpenti Forever shoulder bag sa halagang PHP 35,000.00 (original price PHP 80,000.00).
Iba’t iba rin ang presyo ng kanyang pre-loved designer heels at ang pinakamababa ay nasa PHP 3,000.00.
Si Mrs. Pacquiao raw mismo ang nag-inventory ng kada item na kanyang binebenta.