
Dalawang Hermes Herbag ang ipinadala ni Jinkee kay Heart para mapintahan at pareho na niya itong ginamit kamakailan.
Ginagamit na ng maybahay ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ang mga bags na ipinapinta niya kay Kapuso actress Heart Evangelista.
Dalawang Hermes Herbag ang ipinadala ni Jinkee kay Heart para mapintahan. Unang ginamit ni Jinkee ang brown na bag na pinintahan ni Heart ng mga ibon.
Ginamit naman niya ang pink na bag na may makukulay na bulaklak sa pagpanood niya ng isang basketball game.
Narito ang game OOTD ni Jinkee kasama ang bag.
Nagpasalamat din si Jinkee kay Heart at pinuri ang kanyang talento sa pagpipinta.
"Thank you @iamhearte ? it! #lovemariehandpaintbags #herbag #Godgiventalent," sulat niya sa caption ng kanyang Instagram post.
MORE ON CELEBRITY BAGS:
Jinkee Pacquiao nagpa-pinta ng bag kay Heart Evangelista
LOOK: Heart Evangelista paints a bag for Maggie Wilson