
Nananatiling humble si Jo Berry matapos makatanggap ng positive feedback para sa kanyang pagganap bilang Onay sa primetime series na Onanay.
Aniya, hindi raw ito magiging posible kung wala ang kanyang mga acting coaches na sina Roence Santos, Jo Macasa at Anne Villegas. Utang niya raw sa mga ito ang kanyang pagiging ganap na aktres.
Sa pamamagitan ng Instagram, pinasalamatan ng 24-year-old actress ang kanyang mga mentors. Mensahe niya, "To ate @roence, ate @jomacasa and ate @annevillegas thank you very much po sa matiyagang pagtuturo sa'kin! Literal na hindi ko po alam ang gagawin kung wala kayo!"
Nakilala si Roence Santos sa kanyang pagganap bilang Black Lady sa hit teleseryeng Kambal, Karibal. Bukod sa Onanay, naging acting coach na rin siya para sa iba't ibang programa ng GMA.
Si Jo Macasa ay naging assistant director naman ng ilang Kapuso shows. Samantalang ang dating aktres na si Anne Villegas ay ngayo'y direktor na at may sarili ng talent management company.