
Ilang araw na lang at magsasama-sama na ang pinakamalalaking bituin ng Kapuso Network sa GMA Thanksgiving Gala na idaraos sa darating na weekend.
Isa sa mga excited na pumunta para sa malaking pagtitipon na ito ang versatile Kapuso actress na si Jo Berry.
Sa Instagram post ni Jo kahapon (July 27), may pasilip na siya sa kaniyang preparation para sa gala night.
Napa-comment sa post ng Kapuso actress ang dati niyang co-star na si Rodjun Cruz sa high-rating afternoon soap na My Little Princess at sinabing, “See you Princess!” Ito ang pangalan ni Jo sa drama series kung saan nakasama rin niya sina Angelika dela Cruz, Juancho Trivino, at Geneva Cruz.
Samantala, napapanood ngayon si Jo Berry sa anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko bilang si Rumpelstiltskin. Abangan ang fourth at final episode nito sa darating na July 31.
Abangan ang red carpet ng GMA Thanksgiving Gala sa Facebook page, YouTube channel ng GMA Network, at sa Tiktok account ng Sparkle GMA Artist Center sa Sabado, July 30.
BALIKAN ANG NAGING SANTACRUZAN EXPERIENCE NI JO BERRY THIS 2022 SA GALLERY NA ITO: