What's on TV

LOOK: Jo Berry reminisces look test with Mikee Quintos and Kate Valdez

By Jansen Ramos
Published March 14, 2019 4:08 PM PHT
Updated March 14, 2019 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi ni Jo Berry ang kaniyang fangirling moment kasama sina Mikee Quintos at Kate Valdez noong sumabak sila sa look test para sa 'Onanay' isang taon na ang nakakalipas.

Dahil baguhan sa industriya, hindi akalain ni Onanay lead star Jo Berry na makakatrabaho niya ang kaniyang mga iniidolo na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Jo Berry
Jo Berry

Ibinahagi ni Jo sa Instagram ang kaniyang fangirling moment kasama ang dalawa noong sumabak sila sa look test para sa hit GMA primetime series isang taon na ang nakakalipas.

Sa nasabing post, sinariwa ng 25-year-old actress ang kaniyang naramdaman matapos makaeksena sina Mikee at Kate sa unang pagkakataon.

Aniya, "Ang iniisip ko lang ng mga panahong 'to? Paano ko magagawa nang maayos ang trabaho ko nang hindi nakakasagabal 'yung pagiging fan girl ko sa dalawang 'to."

Throwback thursday 😀 Onanay Look test, ang iniisip ko lang ng mga panahong to? paano ko magagawa ng maayos ang trabaho ko ng hindi nakakasagabal yung pagiging fan girl ko sa dalawang to 😂 #onanay

A post shared by Jo Berry (@tinyhedwig) on

Malaki ang nabago sa buhay ni Jo matapos niyang makamit ang kaniyang first lead role sa isang serye, kaya labis ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng sumusubaybay sa Onanay lalo na't magtatapos na ito sa Biyernes, March 15.

"From the bottom of our hearts, maraming-maraming salamat sa patuloy na pagsuporta, panonood, pagtwi-tweet, lahat, pati pagsasabuhay.

"I'm very happy, blessed and grateful na ganun 'yung impact namin sa tao." bahagi ni Jo sa isang panayam ng GMANetwork.com.

Pagkatapos ng Onanay, mapapanood naman si Jo sa upcoming film na Kiko En Lala kasama sina Super Tekla, Kim Domingo, Derrick Monasterio, Tetay, Kiray Celis at Aiai Delas Alas. Idederehe ito ng award-winning director na si Adolf Alix, Jr.