Binalikan ni Jopay Paguia ang panahong nagkatrabaho sila ni Joshua Zamora na noo’y hindi pa niya kilala ngunit kanya nang mister ngayon.
Isang litratong kuha sa Eat Bulaga ang ibinahagi ni Jopay kung saan makikitang magkasama sila ng kanyang asawa. Dating miyembro ng Sex Bomb Girls si Jopay, samantalang dancer naman ng Manouvres si Joshua.
Kuwento niya, “Eto ‘yung nag-back up kami sa inyo… di pa tayo magkakilala nung mga panahon na ‘yan kasi may mga kanya-kanya pa tayong buhay. Ahahahha. Akalain mo ‘yun.”
Ikinasal ang dalawa noong June 6, 2014.
MORE ON JOPAY AND JOSHUA ZAMORA: