
Nakarating na sa New York City and dalawang Kapuso artists na kasama sa Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn.
Sa isang Instagram post, makikitang magkasama sa airport ang Studio 7 stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Makikita rin sa Instagram stories ni Rayver na nakalapag na sila sa John F. Kennedy International Airport sa New York City.
Nakatakdang mag-perform sina Julie Anne at Rayver kasama ang iba pang Studio 7 cast na sina Christian Bautista, Kyline Alcantara, Golden Cañedo, Betong Sumaya, at Alden Richards sa Kings Theatre, Brooklyn ngayong May 11 para sa Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn.
Ano ang travel essentials ng 'Studio 7' cast para sa Brooklyn?
Julie Anne San Jose, nag-react sa mga nagsasabing bagay sila ni Rayver Cruz