Celebrity Life

LOOK: K Brosas, may pasilip sa ipinagagawang bahay

By Nherz Almo
Published January 25, 2019 6:50 PM PHT
Updated January 25, 2019 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



K Brosas, aminadong kasalanan niya kung bakit hindi agad nakapagpatayo ng sariling bahay, “Kasalanan ko 'yon kasi…”

"Konti na lang po.”

K Brosas
K Brosas

Ito ang sinabi ng comedy actress-singer na si K Brosas nang ipakita niya sa kaniyang Instagram followers ang bahay na kasalukuyan niyang ipinagagawa.

Bago pa man siya makuwestiyon ng netizen, sinagot na ni K Brosas kung bakit tila natagalan ang pagpapagawa niya ng sariling bahay.

Halos dalawang dekada na rin sa showbiz ang komedyante, ngunit aminado siya na kaya hindi agad nakapagpagawa ng bahay ay dahil, “Naging pabaya ako sa pera at nagtiwala ako sa mga maling tao.”

Bukod dito, iniiwasan din daw niya kasi ang umutang para lang masimulan ito.

Sabi ni K Brosas sa kaniyang Instagram post, “Plus na ondoy kami.. [N]ow looking back, hindi ko nagawa to before kc ayaw kong umutang.. mag loan, gusto ko handa nako financially.. (although walang prob kung Yun ang kaya NG iba.. ako lang naman to hehe) kaya now ko lang napa gawa ang simpleng bahay na pangarap ko..”

Sa pangyayaring ito, isang aral ang ibinahagi ni K Brosas sa kaniyang followers: “Wala pong “deadline” ang pangarap o kung ano man gusto nyo makamit SA buhay... we are never too old to have new goals and dreams. Wag atat..”

Dagdag pa niya, “Salamat Lord SA mga blessings at SA mga labada pa more.. konti na lang po.. at Masasabi ko na At last na May bahay ako na sarili, doesn't matter gaano katagal ang hinantay ko... kaya naman.. Mula SA akin, Sana wag kayong magmadali.. mag ipon, mag sipag.. wag pabayaan pera nyong pinagpaguran.. at walang age limit ang pag sunod SA mga pangarap nyo, kahit dahan dahan lang, I Thank you!”

Sa ngayon, masayang hinihintay ng comedy actress ang pagbuo ng bagong bahay na titirahan nila ng kaniyang unica hija na si Crystal.

Biro pa niya, “Hindi po sha mansion kc kami lang naman NG ANak ang makikinabang sa bahay na to..well.. may nxt Time pa naman hehe…”

Pagkatapos nito, may kasunod ng project si K Brosas, “Beach house ang pangarap ko, si Lord na bahala don..”

So eto na... konti na lang po.. I'm posting this hindi para mag yabang kundi sana lang maka inspire SA iba na same age ko, na ilang beses nasabihan na “dapat matagal mo NG ginawa yan” etc.. truth is.. naging pabaya po ako SA pera At nagtiwala ako SA mga maling tao.. kasalanan ko yon, kc pinabayaan ko.. plus na ondoy kami..now looking back, Hindi ko nagawa to before kc ayaw kong umutang.. mag loan, gusto ko handa nako financially.. (although walang prob kung Yun ang kaya NG iba.. ako lang naman to hehe) kaya now ko lang napa gawa ang simpleng bahay na pangarap ko.. hindi po sha mansion kc kami lang naman NG ANak ang makikinabang sa bahay na to.. well.. may nxt Time pa naman hehe.. saka na pag tapos nito, beach house ang pangarap ko, si Lord na bahala don.. again.. wala pong “deadline” ang pangarap o kung ano man gusto nyo makamit SA buhay... we are never too old to have new goals and dreams. Wag atat.. now I'm just sooooo happy na malapit NG matapos tong house, na bawat detalye kahit maliit lang ay nasunod, At kahit Lumaki budget (normal lang daw yan kc na ba bago At may nadadagdag hehe) .. Salamat Lord SA mga blessings at SA mga labada pa more.. konti na lang po.. at Masasabi ko na At last na May bahay ako na sarili, doesn't matter gaano ka tagal ang hinantay ko... kaya naman.. Mula SA akin, Sana wag kayong magmadali.. mag ipon, mag sipag.. wag pabayaan pera nyong pinagpaguran.. at walang age limit ang pag sunod SA mga pangarap nyo, kahit dahan dahan lang, I Thank you! Thanks @chikininnin my architect at @jacquijopson my contractor.. girl power chos! #labadapamore #blessed ☺️🙏🙏🙏❤️

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on