
Curious ba kayo mga Kapuso kung kanino napasakamay ang makapangyarihang Mjolnir ni Hammerman?
Sa Instagram post ni Richard Faulkerson, Sr. o mas kilala sa tawag na Daddy Bae, ipinasilip niya na nasa bahay nila ng anak na si Alden Richards ang Mjolnir.
Makikita rin sa post ni Daddy Bae na nakapatong ang larawan ng yumao niyang asawa na si Mrs. Rosario Faulkerson sa glass box kung saan nakalagay ang Mjolnir.
Alden Richards on his lola: 'To my mom, my no. 1 in everything"
Sa mga naka-miss sa heroic finale ng Victor Magtanggol last November 16, heto ang ilan sa mga jaw-dropping scenes sa last episode ng Kapuso telefantasya series.