
Hindi na bago ang pagpapa-tattoo ng pangalan ng special someone. Pero kakaiba ang trip ng mister ni Maricris Garcia na si TJ Cruz dahil mismong mukha ng Kapuso singer ang pina-tattoo niya sa kanyang binti.
IN PHOTOS: The wedding of Maricris Garcia and TJ Cruz
Mapapanood sa Instagram account ni Maricris ang isang maiksing video ng tattoo session ni TJ.
"Patay na patay siguro sakin tong asawa ko??? Tingin nyo???" natatawa niyang caption.
Nag-react naman dito ang ilan sa kanilang celebrity friends.
Magkakaroon ng 11th anniversary concert si Maricris, na pinamagatang "MAR1CR1S," sa Teatrino Greenhills sa September 28.
LOOK: Maricris Garcia, ready na para sa kaniyang anniversary birthday concert na MAR1CR1S