
First time magtatambal nina Kate Valdez at Manolo Pedrosa sa telebisyon.
Noong Huwebes, January 24, nag-taping ang dalawa para sa weekly drama anthology na Maynila kasama sina Tess Bomb at Phil Noble.
Una nang nagpahayag si Manolo na gusto niyang makatrabaho si Kate. Sabi pa niya sa isang interview, napupusuan niyang maka-love team ang 18-year-old actress.
Ganito rin ang pahayag ni Kate tungkol sa Kapuso cutie nang eksklusibo siyang nakapanayam ng GMANetwork.com sa ArtisTambayan noong January 17. Aniya, "He's nice naman kasi sino ba namang may ayaw maka-work ang isang mabait na co-actor, and mapapadali and magiging comfortable din ako sa work kasi ayoko ng uncomfortable ka sa kasama mo, parang ang hirap."
Wala pang sinabi sina Kate at Manolo kung kailan ipapalabas ang kanilang Maynila episode. Manatili lamang na tumutok sa GMA Network para sa iba pang detalye.