
Masayang-masaya si Kapuso actor Khalil Ramos na muli niyang nakasama ang kanyang fans kung saan ipinagdiwang nila ang kanyang ika-11 taon sa showbiz.
Dahil sa pandemya, dalawang taon na puro virtual fan meets lang ang ginagawa nina Khalil at ng kanyang fan club na Khalilnatics.
Sa Instagram, ibinahagi ni Khalil ang ilang larawan na kuha mula sa kanilang selebrasyon kung saan masayang masaya ang mga dumalo.,
"Finally got to celebrate with the Khalilnatics!! After more than 2 years of zoom fan meets, we were finally able to celebrate my 11th year anniversary in person!" sulat ni Khalil sa caption.
"To the Khalilnatics, thank you for your love. Since day 1, 11 years ago, you guys have been there for me. I love you all."
Abala si Khalil ngayon sa food channel nila ng kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia sa YouTube na may pangalang "Front-Seat Foodies."
Tutungo rin ang dalawa sa Amerika sa susunod na buwan upang magbakasyon matapos ang matagumpay nilang mystery-romance series na Love You Stranger.
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGING BAKASYON NINA GABBI AT KHALIL SA BOHOL SA MGA LARAWANG ITO: