
Nagsagawa ng book signing at launch si Kim Domingo noong Sabado (July 1) sa National Book Store, Glorietta 1 para sa kaniyang photo book na pinamagatang "State of Undress."
Nagpasalamat ang sexy Kapuso actress sa lahat ng kaniyang fans na all-out ang support para sa kaniyang project.
"Maraming salamat po sa inyong pagpunta. Thank you so much po sa lahat ng bumili. At sa mga hindi pa nakakabili diyan or sa mga friends n'yo, sabihin n'yo po sa kanila na bumili sila ng book. I'm sure mag-eenjoy sila doon kasi hindi lang 'yan puro sexy pictures dahil para rin 'yang journal Andyan po ang aking story, kung saan ba nagsimula si Kim Domingo, paano ba siya napunta sa showbiz," sambit ni Kim.
Narito ang ilang photos na kuha mula sa kaniyang book signing.
Congratulations, Kapuso!