
Special corset ang sagot sa maliit na bewang
Sa unang tingin pa lang ay kitang-kita na ang ka-sexy-han ni viral star Kim Domingo.
Pero para mas maipakita pa ang kanyang curves, sinubukan niya ang waist training.
Kailangang mag-suot ng isang espesyal na corset habang nagwe-waist training. Unti-unting hahabaan ang oras ng pagsusuot nito hanggang masanay. Unti-unti ring sisikipan ang corset para makuha ang mas maliit na bewang.
Sinubukan na rin ng ilang Kapuso stars tulad nina Solenn Heussaff, Ina Raymundo at Rhian Ramos ang waist training.
Karaniwang isinasabay sa pag-eehersisyo at diet ang waist training upang mas maging effective ito.
MORE ON KIM DOMINGO:
Kim Domingo nagbahagi ng tips para sa summer
Kim Domingo lands another big break in Juan Happy Love Story