
Nakakapanindig-balahibo ang mga tagpo sa March 13 episode ng Kambal, Karibal kaya naging top trending ito sa Twitter kagabi, March 13.
Hanga ang mga netizens sa kuwento at sa epektibong pagganap ng mga karakter nito.
Sa episode kagabi, ibinunyag na ni Emmanuel (Christopher De Leon) kay Geraldine (Carmina Villarroel) na anak niya si Crisan (Bianca Umali). Ngunit, nawalan ng malay si Crisan dahil nahulog siya sa bangin at sumanib si Crisel (Pauline Mendoza) sa kanyang katawan.
Magkaroon pa kaya ng pagkakataong makabawi si Geraldine sa anak kung si Crisel na pala ang nasa katawan ni Crisan?
Alamin sa Kambal, Karibal, gabi-gabi pagkatapos ng Sherlock Jr. sa GMA Telebabad.