
Three words to describe the Philippines’ Queen of All Media? Bongga ka, ‘day!
Dala-dala ni Kris Aquino ang kanyang glam team mula sa Pilipinas hanggang sa Singapore para sa rehearsal at shooting ng kanyang role na “princess” sa “major Hollywood movie”.
Kilalang mga personalidad sa larangan ng showbiz ang kanyang dinala sa shooting location niya sa Singapore tulad nina Juan Sarte at Jonathan Velasco (makeup artists), Nante Alingasa (hairstylist), Kim at Boob Yap (fashion stylists), pati ang kanyang finance guru na si Nicko Falcis. Naroroon rin si Yaya Bincai para alagaan ang TV host-actress.
Bago pa magsalita ang kanyang mga bashers, inunahan na ito ni Kris. Aniya, “Gastos ko po ang pamasahe, hotel, and professional fees nila. This is a once in a lifetime opportunity, [and] I just wanted the people who really make me look my best, and those who have shown me true compassion, loyalty, and love to be part of this extraordinary experience.”
Ibinahagi na rin ng Filipina actress ang mga ganap sa kanyang international project, kagaya ng costume fitting at rehearsals.