
Ongoing pa rin ang construction sa bagong bahay na titirhan ni Queen of All Media Kris Aquino.
Gayunpaman, mukhang excited na si Kris dahil unti-unti niyang nakikitang nabubuo ito.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang kakaibang front door ng bahay.
"In our family we compromise- my 2 sons realize they have the ultimate girly girl, pink loving mom- so this is our front door," sulat niya tungkol sa pintuang may kakaibang kulay.
Binigyan din niya ang kanyang followers ng isang sneak peek ng banyo na espesyal niyang ipinagawa para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
"It's a maarte, Kris-envisioned, locker room-inspired bathroom with 2 showers, 2 toilets & a tub, not pictured is the side by side vanity sinks," bahagi niya.
Minsan nang nabanggit ni Kris na target niya at ng kanyang dalawang anak na makalipat sa ginagawang bahay sa May ngayong taon.
MORE ON KRIS AQUINO:
WATCH: Kris Aquino, ipinasilip ang kanyang mga maleta bilang tips sa pag-iimpake
WATCH: Kris Aquino signs with US-based talent agency for her international career