
Blooming ang soon-to-be mom na si Kris Bernal sa kaniyang unang maternity shoot.
Nito lamang March 3, ibinahagi ni Kris na ipinagbubuntis niya ang kanilang unang anak ni Perry Choi.
PHOTO SOURCE: @niceprintphoto
Sina Kris at Perry ay ikinasal noong September 2021.
Sa Instagram account ng Nice Print Photo ay ipinakita nila ang maternity shoot na ginawa nila with Kris.
Ayon sa kanilang post, "My once upon a time bride, now a soon-to-be momma. Congratulations @krisbernal Truly exciting times ahead."
Blooming na blooming naman si Kris sa kanyang glam makeup look by Toni Aviles at pink dress na gawa ni Ryan Ablaza Uson. Ang set naman ng photo shoot ni Kris ay gawa ng Concept Space MNL.
Ayon sa announcement ni Kris, ipapanganak niya ang kanyang first baby sa darating na Agosto.
SAMANTALA, BALIKAN ANG WEDDING PHOTOS NINA KRIS AT PERRY: