
Pagkatapos gampanan ang dual role na Nimfa at Rosette sa Impostora, isang panibagong challenge naman ang susubukan ni Kris Bernal: ang pagiging isang singer.
READ: Kris Bernal, nagpasalamat sa walong buwang itinakbo ng 'Impostora'
Makikita sa Instagram ng Kapuso actress ang kanyang paghahanda para dito.
Aniya, "My reaction when I was given a song material to study for a possible release. I must admit that singing is not for me! Haha! Though I desperately want to reach those singing goals. I often ask singers in the industry if may chance pa ba at my age of 28! With enough training and practice, may pag-asa pa naman daw. Haha! Let’s see! Thanks for your patience today, Teacher Bambi Santos!"
Habang nagpapahinga sa paggawa ng teleserye, abala ngayon si Kris sa kanyang mga negosyo.