
Natupad na ang pangarap ni Chino Liu, aka Krissy Achino, na makaharap ang kanyang idolo na si Kris Aquino ng personalan.
Sa Facebook page ng Queen of All Media, makikita na nagkita na sila ng 24-year-old impersonator, na nakilala noong Mayo sa Wowowin .
Sa video na ini-upload ni Kris, kinilala niya ang kanyang tagahanga tulad ng edukasyon, pamilya, at love life nito.
Ikinuwento naman ni Achino kung paano siya napunta sa panggagaya kay Kris at paano nakatulong ang paglabas niya sa Wowowin.
Laking tuwa naman ni Kris na kahit papaano ay kumikita si Krissy sa panggagaya sa kanya ngunit ikinagulat rin nang malaman na ka-edad lang pala nito ang kanyang anak niyang si Josh.
Panoorin ang meeting nina Kris at Krissy:
Maalalang sobrang humanga si Willie Revillame kay Achino kaya tinawagan pa nito si Kris Aquino sa telepono para magkausap ang dalawa.
Maging si Kris, bilib na bilib sa kakayahan ni Krissy na gayahin ang kanyang boses at diction.
Ani Kris, “Thanks for doing a good job. Kasi alam ko inaaral mo talaga ako.
“I like you because you have the correct diction. It annoys me 'pag mali ang diction.”
Sa game show rin inihayag ni Krissy na dream niya na makaharap ang talk show queen.
Balikan ang viral video na ito:
WATCH: Krissy Achino, nakausap si Kris Aquino sa 'Wowowin'
READ: Kris Aquino reacts to 'Wowowin' feature, impersonator Krissy Achino