GMA Logo Kuya Kim Atienza, Pokwang, and Rabiya Mateo
PHOTO SOURCE: @kuyakimatienza
What's on TV

LOOK: Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo, nagkulitan online

By Maine Aquino
Published December 14, 2022 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza, Pokwang, and Rabiya Mateo


Silipin kung paano nagkulitan at gantihan sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo sa kanilang Instagram posts.

Kahit sa likod ng camera ay game na game pa rin sa kulitan ang hosts ng TiktoClock na sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo.

Sa kanilang Instagram posts ay ipinakita nila kung paano nila kinukulit ang isa't isa. Ang kanilang paraan ng kulitan, kuhaan ng litrato ang isa't isa habang natutulog.

Una itong ginawa nina Kuya Kim at Pokwang kay Rabiya nang sila ay bumisita sa Zamboanga. Saad ni Kuya Kim, "Log tu si yang ib. Hehehe sorry po."

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Natatawang sagot naman ni Rabiya kay Kuya Kim, "Mahal mo ba talaga ako Kuya Kim?"

Pag-amin naman ni Kuya Kim, "@rabiyamateo all the time ibyang! Hehehe idea ito ni mamang @itspokwang27"

"@kuyakim_atienza hahahhaahaa ako???? Haa??? a e sige po bye…" sagot naman ni Pokwang sa kanyang mga co-hosts.

PHOTO SOURCE: Instagram

Dahil rito, gumanti si Rabiya habang sila ay nasa set ng kanilang show. Saad ni Rabiya, "It's payback time! Naka ganti din ang bata. I love you @tiktoclockgma family."

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Sa post na ito ay kitang kita ang pag-e-enjoy ni Rabiya habang tulog sina Kuya Kim at Pokwang.

Saad ni Pokwang sa post ni Rabiya, "Bwahaahahahahahahahaaa shota ka nak @rabiyamateo hahahahaha gaganti ako!!!!"

Sagot naman ni Kuya Kim, "BWAHAHAHAHAHA HUWAG KA MATUTULOG SA DRESSING ROOM MAMAYA. LOVE YOU TOO. OK ONE ALL."

PHOTO SOURCE: Instagram

Abangan ang iba pa nilang masasayang kulitan sa TiktoClock, weekdays at 11:15 a.m. sa GMA Network.

BALIKAN ANG KANILANG BONDING SA ZAMBOANGA SA GALLERY NA ITO: