What's on TV

LOOK: Kylie Padilla, nag-record na ng kanta para sa 'TODA One I Love'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 9, 2019 5:57 PM PHT
Updated January 9, 2019 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Isa si Kylie Padilla sa kakanta ng tatlong theme songs ng 'TODA One I Love.'

Nakapag-record na si Kapuso actress Kylie Padilla ng kanta na gagamitin sa kanilang bagong show, ang TODA One I Love, kahapon, January 8.

Kylie Padilla
Kylie Padilla

May tatlong official soundtrack (OST) ang TODA One I Love at isa si Kylie sa kakanta nito. Nauna nang kinanta ni Ruru Madrid ang "Sana sa Huli."

“First time ko mag theme song. Masaya at saka maganda 'yung kanta, maganda 'yung message ng kanta which is important,” kuwento ni Kylie pagkatapos ng kanyang recording ng kantang "Reyna ng TODA."

Dagdag ni Kylie, “Actually, natuwa ako kasi rap siya, I like doing that stuff kasi parang astig. I'm not saying I'm a rapper, it's just nage-enjoy ako sa mga ganyan."

Kasama niyang kumanta ang rap artist na si M Zhayt, na siya ring sumulat ng kanta.

Ang pangatlong OST ng TODA One I Love ay nakatakdang kantahin naman ng indie rock band na December Avenue.

Bukod kina Kylie at Ruru, makakasama rin nila sa TODA One I Love sina David Licauco, Gladys Reyes, Victor Neri, Jackie Rice at Kimpoy Feliciano.

Hatid ng GMA News and Public Affairs ang TODA One I Love, isang eleksyon-serye na may halong romance at comedy.