What's Hot

LOOK: Kyline Alcantara, look-alike ng Swedish actress na si Noomi Rapace

By Cherry Sun
Published January 23, 2019 4:18 PM PHT
Updated January 23, 2019 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi napigilang mapansin ng ilang netizens ang pagkakahawig ni Kyline Alcantara sa Swedish actress na si Noomi Rapace.

Hindi napigilang mapansin ng ilang netizens ang pagkakahawig ni Kyline Alcantara sa Swedish actress na si Noomi Rapace.

Kyline Alcantara
Kyline Alcantara

October last year pa lang, may nakapuna nang look-alike ng Kapuso star ang Swedish actress.

“Kamukha ni Noomi Rapace si Kyline Alcantara,” sambit ng isang Twitter user na may handle na @dunkinjonah.

Ito rin ang obserbasyon ng Twitter user na si Deku.

Aniya, “Am I the only one who see Kyline Alcantara @2002kyline to Noomi Rapace of What Happened to Monday?

Sumang-ayon din dito ang Twitter user na may handle na @ jeon287_ dahil pareho raw maganda ang dalawang aktres.

Biro naman ng dalawang netizens, si Noomi raw ang older version ni Kyline.

Si Noomi ay sikat dahil sa kanyang pagganap sa Millennium series: 'The Girl with the Dragon Tattoo,' 'The Girl Who Played with Fire' at 'The Girl Who Kicked the Hornets' Nest' at sa kanyang pagganap sa pitong lead roles sa 'What Happened to Monday.'

Samantala, balik-teleserye si Kyline para sa Inagaw Na Bituin kung saan makakasama rin niya sina Therese Malvar, Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Angelu de Leon at Gabby Eigenmann. Ang nabanggit na kantaserye ay mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula Pebrero.

EXCLUSIVE: Veteran stars ng 'Inagaw na Bituin,' excited makatrabaho sina Kyline Alcantara at Therese Malvar