
Nagulantang ang mundo nang ibunyag ni Lani Misalucha na dinapuan siya ng isang life-threatening illness noong nakaraang taon, na nagdulot ng pagkawala ng kanyang pandinig sa isang tainga.
Na-admit sa intensive care unit ang batikang singer at kanyang asawa noong nakaraang Oktubre matapos magkaroon ng bacterial meningitis sanhi ng streptococcus suis, na hinala nilang nakuha nila sa kontaminadong pagkain.
Hindi napigilang maging emosyonal ni Lani nang balikan ang pagsubok na kanilang pinagdaanang mag-asawa sa Christmas TV special ng The Clash na ipinalabas noong Pasko, December 25.
Pangalawang buhay kung ituring ni Lani nang maka-survive siya sa karamdaman. Sa kabutihang palad, bumubuti na rin ang kanyang kalagayan at kailangan na lamang ng kaunting alalay dahil sa kanyang vestibular dysfunction sanhi ng pinsalang iniwan ng bacterial meningitis.
Sa katunayan, nakapag-post na rin ng kanyang unang selfie ngayong taon ang Asia's Nightingale sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang post, makikitang naka-red lipstick ang mang-aawit at mapapansin na bumalik na sa dating hubog ang kanyang mukha.
Ani Lani, "Mag red lipstick kaya ako?
"Matagal din na lumobo ang mukha ko (pati na rin katawan) dahil sa matagal na pag take ko ng steroids para sa inflammation sa nerves ng brain ko."
Dugtong niyang biro, "Kaya pag pasensyahan nyo na ang first fekture (picture) of the year ko dito sa IG bilang lumiit na ng konti ang mukeels (mukha) ko.
"Sana naman so far happy ang 2021 nyo."
Nagpahiwatig naman ng pagbati ang netizens kay Lani at mensahe para sa total recovery niya at ng kanyang asawa.
Sa ngayon, unti-unti na ring nagiging aktibong muli si Lani sa trabaho.
Matapos mawala nang dalawang buwan sa third season ng The Clash bilang hurado, sinisikap niyang makabalik sa limelight sa pamamagitan ng pag-upload ng kanyang old performances sa kanyang YouTube channel.
Samantala, kilalanin ang ilang celebrities na nakaranas ng rare medical condition dito: