
Kalimitang napapanood ang mga karakter nina Lilet at Teresa Loyzaga na sina Isay at Via na nagbabangayan at nagsasabunutan sa My Special Tatay. Ngunit papaano naman kaya ang relasyon ng dalawang aktres off-cam?
My Special Tatay: Isay at Via, viral ang sabunutan!
Sa Instagram post na in-upload ni Lilet, makikita kung paano sila sa likod ng camera.
"Mukha man mangangain na kami ng tao sa galit sa isa't isa sa unang larawan, off-cam makikita n'yo sa larawan sa baba na ganito po kami ni Ms. @teresaloyzaga," ani Lilet.
Nag-comment naman sina Ken Chan at Teresa Loyzaga sa post ni Lilet.
Huwag palampasin ang mainit na rivalry nina Isay (Lilet) at Via (Teresa Loyzaga) araw-araw sa My Special Tatay.