Nakatanggap ng sweet Valentine’s surprise si Pinulot Ka Lang sa Lupa (PKLSL) star LJ Reyes mula sa dalawang pinakaimportanteng lalaki sa kanyang buhay.
Ikinuwento ng multi-awarded actress na magkasabwat ang kanyang boyfriend na si Paolo Contis at ang kanyang anak na si Aki sa pagsorpresa sa kanya sa Araw ng mga Puso.
Nauna raw ibigay ni Aki ang kanyang Valentine’s card ngunit napasigaw ang kanyang Tito Pao na hindi pa siya handa. Agad binawi ito ng kanyang baby boy, “Mommy, forget what happened!!!”
Natuwa ang aktres nang makatanggap siya ng flowers at greeting cards mula sa mga mahal niya sa buhay, “Hanggang Valentine’s Day [ay] kengkoy pa rin kayong dalawa. Sana na-video ko kayo! I love you both from the bottom of my heart!”
Kung sa totoong buhay ay napakabait ng Kapuso star, sa kanyang pinagbibidahang GMA Afternoon Prime soap naman ay ginagampanan niya ang salbaheng si Angeli. Abangan ang aktres mula Lunes hanggang Biyernes sa PKLSL ng 4:15 p.m.
MORE ON LJ REYES:
READ: Paolo Contis to LJ Reyes: “I promise to protect your heart so it will never get hurt ever again”
LOOK: LJ Reyes dedicates Gawad Urian to Paolo Contis, family and colleagues
WATCH: LJ Reyes, kinalbo si Paolo Contis!
Photos by: @lj_reyes(IG)