What's on TV

LOOK: Lolit Solis reacts to Alden's Victor Magtanggol costume

By Bea Rodriguez
Published June 24, 2018 6:51 PM PHT
Updated July 16, 2018 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Go: DOF to lead investment push after OSAPIEA abolition
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Mala-Iron Man raw ang dating ng costume ng actor sa kanyang upcoming GMA Primetime drama-fantasy series na talagang ipagmamalaki na gawang Pinoy, “Wish ko talaga na magtagumpay ang seryeng ito.”
 

Bongga naman Salve ang costume ni Alden Richards para sa Victor Magtanggol. Akala mo local Ironman at talaga naman ipagmamalaki mo na gawang pinoy. Alam mo, wish ko talaga na magtagumpay ang seryeng ito, at the same time tanggapin din ng tao ang one month guesting ni Maine Mendoza sa Daig Kayo ng Lola Ko. Tingnan mo solo-solo sila sa mga ganitong projects at nakikita ang kinang nila sa mga bagong kasama. Basta bigyan mo ng mabigat na suporta on their own, nagsa -shine sila Alden at Maine. Gusto ko nga sabay i launch iyon mga CD nila, ‘di ba ang ganda, pati recording pinasok na ni Maine. Tingnan natin along the way tiyak na may maiisip na project for the two, hindi na magtatagal ang paghihintay natin Salve. #instatalk #lolitkulit #71naako @aldenrichards02

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

“Bongga naman Salve ang costume ni Alden Richards para sa Victor Magtanggol,” bungad ng veteran showbiz commentator na si Lolit Solis sa kanyang Instagram post.

Mala-Iron Man raw ang dating ng costume ng actor sa kanyang upcoming GMA Primetime drama-fantasy series na talagang ipagmamalaki na gawang Pinoy, “Wish ko talaga na magtagumpay ang seryeng ito.”

WATCH: 'Victor Magtanggol' costume ni Alden Richards, ipinasilip

Hiling rin ng entertainment news writer na suportahan ng mga tao ang solo careers nina Alden at ng kanyang phenomenal love team partner na si Maine Mendoza.

Tinitiyak ni Manay Lolit na muling magsasama ang dalawa sa iisang proyekto soon.