
Kamakailan ay kumalat ang litrato ni Dingdong Dantes na pinaplantsa ang damit ng asawang si Marian Rivera habang sila ay nasa France para sa kasal nina Vicki Belo at Hayden Kho.
LOOK: Dingdong Dantes, ipinamalantsa si Marian Rivera sa Paris; Lolit Solis pinuri ang mag-asawa
Umani ito ng mixed reactions mula sa netizens, dahilan para depensahan ng kolumnista at talent manager ang mag-asawa mula sa bashers.
Aniya, "Natatawa naman ako sa reaction ng iba sa photo ni Dingdong Dantes na [nagpaplantsa]. Sabi dapat daw hindi nilabas, hindi daw bagay sa isang actor na tulad ni Dingdong na nag a action or macho dahil parang degrading sa isang lalaki. Degrading? Pag nagplantsa [ang] lalaki, masama?"
Ikinuwento rin ni Lolit kung paano asikasuhin ni Dong ang kanyang mag-ina.
"Hindi ko alam kong ano ang moral value ng isang tao na mababa ang tingin sa isang lalaki na tumutulong sa kanyang asawa na nag-aalaga ng kanilang anak. Actually mushy pero teary eyed ako [nang] makita ang photo ni Dingdong na ginagawa iyon, dahil alam ko na wala silang kasama na yaya duon sa Paris, na siguro sa isang lalaki na gusto ay mag-happy happy dahil sosyalan ang pinuntahan nila, iiwan na lang iyon mag-ina niya sa tabi. Pero hindi si Dong. Makikipag-usap sandali, tapos lalapit kay Yan at Zia. Siya na naman mag-aalaga kay Zia. Dapat kasi nakikita nila iyon mga ganung bagay."