What's Hot

LOOK: Lolo at Lola, mahilig mag-matching OOTD

By Bianca Geli
Published February 15, 2020 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Lola at Lolo couple goals sa Kapuso Mo Jessica Soho


Marunong din makisabay sa uso at mag-OOTD ang sweet na Lolo at Lola na ito, kaya naman #couplegoals sila!

Dati pa raw hiling ni Lola Milagros na magsuot sila ng terno ng kaniyang asawa sa tuwing sila ay sasamba, ngunit hindi ito mapagbigyan ng asawa.

Kuwento ni Lolo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “May isa kaming pirming pinagtatalunan ng misis kong si Milagros. Sa buong pagsasama namin, kapag sumasamba kami sa bayan, palagi niya akong kinukulit na magsuot kami ng terno.

"Nagpapasadya pa siya talagang magpatahi. Minsan nga sinabi ko sa kanya, 'Ang tanda-tanda na natin, maggaganyan pa tayo! Maganda raw 'yang pang-OOTD namin."

Dagdag ni Lolo, “Hindi ko maintindihan kung ano 'yung pinagsasabi niyang OOTD. Pero mas hindi ko alam kung paano niya ako napapayag. Siguro kasi mahal ko kasi siya talaga. Iniisip ko na lang, maliit na bagay ito kung ikukumpara sa mga ginawa niya sa akin.”

Matapos ma-stroke ni lolo, nangako siyang lagi ng sasabayan sa pagsamba at teternuhan pa ang suot ng kaniyang mahal na asawa.

“Na-stroke ako. Pero kailanman hindi niya ko iniwan. Sa sakit at kalusugan. Sa hirap at ginhawa, nariyan siya. Marami man kaming pinagdaanan, lakas loob kong hinarap ang buhay dahil hindi niya ako iniwan. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng OOTD, pero siya ang aking one and only.

"Ang nakatadhana kong maging kapares."

Panoorin ang iba pang storya ng pag-ibig na pang-forever sa KMJS: